
Isang kakaibang coffee shop sa Quezon City ang agaw-atensyon sa social media dahil sa hardware-themed at industrial-style na interior. Akala ng iba pang-design lang, pero seryoso sila pagdating sa quality ng pagkain at inumin nila.
Ayon kay Precious Flores, isang customer na nagbahagi ng kanyang karanasan, "Super witty ng cafe. Akala ko pang-clout lang ‘yung theme, pero solid talaga ‘yung menu. Konti lang choices, pero pinag-isipan. Fair price pa!"
Bukod sa unique na ambiance, maganda rin daw ang customer service. Maraming nagulat na kahit mukhang rugged at unfinished ang itsura ng lugar, maaliwalas at relaxing pa rin ang vibe.
Ang ideya sa likod ng cafe na ito ay mula sa owners na sina Wilbert Morada at John Lorenz Santos. Sabi nila, naisip nilang panatilihin ang raw at industrial aesthetic matapos idemolish ang dating structure. Imbes na gawing polished ang interiors, ginawa nila itong parang isang hardware store-inspired space, kung saan may mga naiwan pang tools mula sa construction.
Dahil dito, maraming customers ang bumilib sa creativity at authenticity ng concept ng Resonate Coffee.
Perfect daw itong spot kung gusto mong mag-relax, magtrabaho, o kahit mag-usap ng seryoso—tulad ng isang customer na nagkwento na dito sila nagkaroon ng closure ng ex niya. "Fittingly, we rebuilt things at a construction site," biro niya.
Kung mahilig ka sa industrial vibes, unique cafes, at masarap na kape, baka ito na ang next tambayan mo.
Ano sa tingin mo, gusto mo bang subukan ang ganitong theme ng coffee shop?