
Mas pinatamis ng Orange & Lemons ang panahon ng pag-ibig sa kanilang bagong single!
Inilabas ng veteran OPM band ang isang indie-pop rendition ng klasikong awitin ng Carpenters, ang “Close To You.” Pinanatili ng banda ang emosyonal na bigat ng kanta habang binigyan ito ng modernong tunog. Ang bagong studio version na ito ay isang mas pinahusay at detalyadong produksyon kumpara sa kanilang live version.
Sa isang opisyal na pahayag, ipinaliwanag ng lead vocalist at guitarist na si Clem Castro ang inspirasyon sa likod ng kanta:
Bukod sa bagong kanta, magsisimula rin ang banda sa isang international tour, kung saan bibisita sila sa USA, Canada, at Singapore.
Narito ang tour dates:
📍 Marso 2 – Singapore
📍 Mayo 30 – Toronto, Canada
📍 Mayo 31 – New York, USA
📍 Hunyo 6 – San Francisco, USA
📍 Hunyo 7 – Los Angeles, USA
Pakinggan ang bagong bersyon ng “Close To You” ng Orange & Lemons sa Spotify!