Inilabas ng Universal Pictures ang buong trailer para sa inaabangang live-action remake ng How to Train Your Dragon. Pinamunuan ito ni Dean DeBlois, ang direktor ng orihinal na animated classic noong 2010. Ang adaptasyon ay nangangako ng mas malalim na dynamics ng mga karakter, pinalawak na mitolohiya, at kamangha-manghang live-action visuals.

Sa usapin ng remake, sinabi ni DeBlois na ito ang pagkakataon upang mas paigtingin ang kwento ng mga karakter at ang mundo ng Berk. “Dahil sa limitadong resources at mabilisang paggawa ng unang pelikula ng DreamWorks, may mga bahagi ng kwento na hindi namin lubos na napalalim,” ani DeBlois sa isang trailer unveiling event. Sa live-action adaptation, mas malalim na relasyon, mas mayaman na pagbuo ng mga karakter, at pinalawak na mitolohiya ang aasahan.
Isa sa mga kapansin-pansing pagbabago ay ang mas detalyadong kwento ni Astrid. “Si Nico Parker ang gaganap bilang Astrid, at ito ay nagdadagdag ng ideya na siya ay galing sa ibang kultura,” ibinahagi ni DeBlois, na nagbigay-pahiwatig ng bagong aspeto na magbibigay ng kakaibang tatak sa adaptasyon na ito.
Muling makakasama ang fans kay Hiccup at Toothless kapag pinalipad na ang pelikula sa mga sinehan sa darating na Hunyo 13. Panoorin ang buong trailer sa itaas!