Sa kauna-unahang pagkakataon sa halos 100-taong kasaysayan ng Grand Prix de Monaco, naging title partner ang TAG Heuer, isang LVMH-owned Swiss watchmaker. Ang makasaysayang partnership na ito ay nagmamarka ng mahalagang yugto para sa sikat na karera at sa TAG Heuer, na ngayon ay opisyal ding timekeeper ng Formula 1.
Sa pagdiriwang ng ika-75 taon nito sa Formula 1, muling pinatibay ng TAG Heuer ang matagal nitong koneksyon sa pinakamataas na antas ng motor racing, partikular na sa prestihiyosong karera sa Monaco. Ang matibay na ugnayan ng TAG Heuer at Monaco ay nagmula pa sa mga dekada ng pagsasama sa motorsport at sa tanyag na TAG Heuer Monaco collection, kaya’t napapanahon na ang karera ay tawaging Formula 1 TAG Heuer Grand Prix de Monaco.
Simula pa noong dekada ‘60 at ‘70, ang TAG Heuer ay naging bahagi ng tagumpay ng mga driver tulad nina Jochen Rindt, Jo Siffert, Niki Lauda, at Ronnie Peterson. Sa sumunod na mga dekada, nagpatuloy ang presensya nito sa Côte d’Azur circuit sa tagumpay nina Alain Prost at Ayrton Senna noong ‘80s at ‘90s. Sa mga huling taon, nananatili ang suporta ng TAG Heuer sa Oracle Red Bull Racing sa tagumpay nina Daniel Ricciardo, Max Verstappen, at Sergio Pérez.
Bilang bahagi ng multi-year deal nito sa Automobile Club de Monaco, naging partner din ang TAG Heuer ng Rallye Monte-Carlo Historique. Ayon kay Antoine Pin, CEO ng TAG Heuer, ang renewal ng kanilang partnership ay nagpapatibay sa kanilang alignment sa diwa ng kompetisyon at sa mahirap na street course ng Monaco.