Panoorin ang 'Get Tickets Now' Trailer para sa Captain America: Brave New World, ang pinakabagong kabanata ng Marvel Cinematic Universe (MCU) na mula sa Marvel Studios.
Ang Captain America: Brave New World ay pinagbibidahan nina Anthony Mackie, Harrison Ford, Danny Ramirez, Shira Haas, Carl Lumbly, Xosha Roquemore, Giancarlo Esposito, Liv Tyler, at Tim Blake Nelson. Ang pelikula ay ipapalabas sa mga sinehan sa Pebrero 14, 2025.

Sa Captain America: Brave New World, makikitang si Sam Wilson (Anthony Mackie) ay nasangkot sa isang pandaigdigang isyu matapos makipagpulong sa bagong halal na Pangulo ng U.S. na si Thaddeus Ross (Harrison Ford). Kailangang tuklasin ni Sam ang lihim sa likod ng isang mapanganib na pandaigdigang balak bago magtagumpay ang tunay na nasa likod nito at magkaroon ng malaking kaguluhan sa mundo.

Ang pelikula ay idinirek ni Julius Onah at prinodyus nina Kevin Feige at Nate Moore. Sina Louis D’Esposito at Charles Newirth ang executive producers. Ang screenplay ay isinulat nina Rob Edwards, Malcolm Spellman, Dalan Musson, Julius Onah, at Peter Glanz, na ang kwento ay gawa nina Rob Edwards, Malcolm Spellman, at Dalan Musson.
Huwag palampasin ang aksyon, drama, at kwento ng pag-asa sa Captain America: Brave New World!