
Heads up, mga GCash users! Magkakaroon ng system maintenance ang sikat na e-wallet application na GCash ngayong Miyerkules, February 12, 2025, mula 12 AM hanggang 1 AM.
Ibinahagi ang abiso sa opisyal na Facebook page ng GCash nitong Martes, February 11, 2025. Ayon sa kanilang post:
“Magkakaroon ng maintenance ang GCash app sa Miyerkules, February 12, mula 12 AM hanggang 1 AM. Pakiusap na i-planong mabuti ang inyong mga transaksyon upang maiwasan ang abala. Salamat!”
Matapos ang naturang post, maraming netizens ang nagbahagi ng abiso sa kanilang social media accounts upang maiparating sa iba pang GCash users.
Ang GCash, na inilunsad noong 2004, ay isa sa mga nangungunang e-wallet apps sa Pilipinas. Sa ulat noong Oktubre 2024, umabot na sa 94 milyong Pilipino ang aktibong gumagamit ng GCash—katumbas ng 8 sa bawat 10 Pinoy.
Planuhin na ang inyong mga transaksyon at siguraduhing handa bago ang oras ng maintenance!