Ipinakilala na ng Kia Philippines ang 2025 Sorento HEV, na may bagong turbo-hybrid engine para sa mas fuel-efficient at mas malakas na performance. Ang 2025 Sorento ay may fully decked-out cabin, bagong high-tech features, at intelligent driver aids para sa mas relax na ride experience.
Ayon sa Kia, ang HEV system ng Sorento ay nagbibigay ng dagdag na power kapag kailangan, may regenerative braking para mag-recharge ng battery, at may kakayahang magbiyahe gamit ang kuryente sa ilang distansya.
Sa mga high-grade na variants, ang 2025 Sorento HEV ay may bagong AWD system na may real-time torque distribution at iba't ibang terrain modes tulad ng Snow, Mud, at Sand. Mayroon din itong selectable drive modes tulad ng Automatic, EV, at Hybrid.
Sa design, ang 2025 Sorento HEV ay may mas muscular na exterior at mas sophisticated na hitsura. May bago itong Tiger Nose grille, Star Map LED daytime running lights, at 4-cube LED headlights. Hindi rin pwedeng kalimutan ang stylish 19-inch alloy wheels, bagong LED taillights, at power tailgate na may proximity function.
Para sa seguridad, ang Sorento HEV ay may DriveWise suite ng advanced driver assistance systems, kabilang na ang Smart Cruise Control, blind-spot monitoring, lane-keeping assist, at marami pang iba.
Ang 2025 Kia Sorento HEV ay may tatlong variant at sakop ng 5-year/160,000 km warranty, habang ang hybrid battery ay may 8-year warranty.