
Ang kumpanyang elektronikong Japanese na Casio ay naglunsad ng kauna-unahang digital na relo na puwedeng isuot sa daliri, ang CRW-001.
Ang aparato ay inspirasyon mula sa yubiwa o finger ring pipe na dinisenyo ng naunang kumpanya ng Casio, ang Kashio Seisakujo, noong 1946.
Ang yubiwa pipe ay naging popular matapos ang World War II, kung saan nais ng mga tao na panatilihing malinis ang kanilang mga kamay habang nagtatrabaho at naninigarilyo hanggang sa mubo ang sigarilyo. Ang mga kita mula sa pipe ay naging kapital na ginamit ng Casio para makapag-develop ng kanilang iconic na mga kalkulador.
Ang CRW-001 ay may parehong estilo ng finger ring pipe, kung saan ang karaniwang watch module ay pinaikli ng halos sampung beses ngunit gumagamit ng optimized na high-density mounting.
Mayroon itong sukat ng 20 millimeter inner diameter at 62.8 millimeter circumference, at may spacers upang magamit sa inner diameters na 19 at 18 millimeters.
Ang singsing at ang kaso nito ay pina-mold sa isang piraso gamit ang fine metal powder na ini-inject sa molds. Ang isang glass adhesive technique ang nagpapatibay ng water-resistance ng ring watch.
Ang CRW-001 ay may 6-digit digital LCD display na nagpapakita ng dual times (hanggang segundo), isang kalendaryo, at isang stopwatch. Nagli-light up din ito sa oras at sa mga preset na oras.
Ang CRW-001 ay available na ngayon sa Pilipinas simula Enero 25 para sa halagang P9,660.