
Inanunsyo ng Cadillac ang kanilang bagong 2026 LYRIQ-V, ang unang all-electric na modelo ng kanilang high-performance V-Series lineup. May 615 horsepower at 650 lb-ft ng torque, ang LYRIQ-V ay kayang mag-accelerate mula 0 hanggang 60 mph sa loob lang ng 3.3 seconds, kaya ito ang pinakamabilis na production vehicle ng Cadillac.
Ayon kay John Roth, Global Cadillac Vice President, "Ang LYRIQ-V ay sumasagisag sa walang humpay na hangarin ng Cadillac sa engineering excellence," at dagdag pa niya, "Itinutulak nito ang aming performance pedigree papunta sa EV era na may luxurious at high-tech na driving experience."
Ang LYRIQ-V ay may dual-motor all-wheel drive at 102-kWh na battery, na may tinatayang 285-mile range. Maaari ring i-access ng mga driver ang buong performance nito gamit ang Velocity Max, at ang V-Mode system ay nagbibigay daan para sa customized performance driving settings. Ang Brembo performance brakes at Competitive Mode, na nagpapahusay sa agility, ay nagdadagdag sa sporty appeal nito.
Sa exterior, makikilala ang LYRIQ-V dahil sa mga bold design elements, tulad ng unique na lower front fascia, Black Crystal Shield grille, at exclusive na 22-inch dark sport wheels. Mayroon din itong bagong Magnus Metal Frost na kulay. Sa loob, ang cabin ay pinagsasama ang high-performance design at cutting-edge tech, gaya ng 33-inch LED display, augmented reality head-up display, at isang 23-speaker AKG Studio Audio System na may Dolby Atmos. Ang Nappa leather seating, V-pattern accents, at illuminated sill plates ay nagpapataas sa luxury experience.
Kasama sa standard features ang Continuous Damping Control, black-painted roof, at Super Cruise hands-free driving assistance. Magsisimula ang produksyon ng LYRIQ-V sa unang bahagi ng 2025 sa GM’s Spring Hill plant sa Tennessee, at magkakaroon ito ng starting MSRP na $79,990 USD. Ang 2026 LYRIQ-V ay ibebenta sa U.S., Canada, Australia, New Zealand, at iba pang mga global markets.