Matapos ianunsyo ang kanyang solo debut album na Ruby, inilabas na ni Jennie ang music video para sa "ZEN," isang bagong track mula sa album na ito.
Makikita sa video si Jennie sa iba't ibang mythical at celestial na karakter, nagpapakita ng pagiging poise, relaxed, at punong-puno ng "aura." Ang video ay idinirehe ni Cho Gi-Seok, isang kilalang Korean photographer at founder ng streetwear brand na KUSIKOHC. Ang style ng video ay may delicate at surrealist na beauty, na tumutok sa kakaibang visual na kalidad.
Ang mga visuals ay swak na swak sa malakas na tunog ng kanta, at nakaka-capture agad ng atensyon ng mga manonood kasama ang malupit na opening verse ni Jennie: “I tell ‘em, ‘Down, now’ / I’m the energy, yes / I ain’t what you think about me / Cross me, please / I’ma keep it Z, Zen / Present, bless / Money can’t buy sixth sense.”
Panoorin na ang music video ng “ZEN” at abangan ang Ruby album na ilalabas sa March 7!