Inanunsyo na ng mga pamilya Shelli, Irving, at Azoff, kasabay ng Live Nation at AEG Presents, ang FireAid Benefit Concert na magpapalilikom ng pondo upang muling buuin ang mga komunidad na sinalanta ng mga wildfire sa Los Angeles at suportahan ang mga pagsisikap na maiwasan ang mga sunog sa hinaharap sa buong Southern California.
Magaganap ito sa Enero 30 sa Intuit Dome at Kia Forum, at tampok sa FireAid ang mga pagtatanghal mula sa mga kilalang artista tulad nina Billie Eilish at Finneas, Earth, Wind & Fire, Gracie Abrams, Green Day, Gwen Stefani, Jelly Roll, Joni Mitchell, Katy Perry, Lady Gaga, Lil Baby, P!nk, Red Hot Chili Peppers, Rod Stewart, Sting, Stephen Stills, Stevie Nicks, Tate McRae, at magsasama sa unang pagkakataon sina Dave Matthews at John Mayer. Iba pang mga artist, espesyal na panauhin, at mga lineup para sa bawat venue ay iaanunsyo sa mga susunod na araw.
Magkakaroon ng pagkakataon ang mga tagahanga mula sa buong mundo na mag-ambag dahil ang kaganapan ay ipapalabas at livestream sa Apple Music at Apple TV app, Max, iHeartRadio, KTLA+, Netflix/Tudom, Paramount+, Prime Video at sa Amazon Music Channel sa Twitch, SiriusXM, eksklusibo sa “LIFE with John Mayer,” Spotify, SoundCloud, Veeps, YouTube at sa ilang mga AMC Theatre location sa 70 US markets.
Ang mga kontribusyon sa FireAid ay hahawakan ng Annenberg Foundation, at ang lahat ng kita mula sa konsyerto ay direktang mapupunta sa mga itinalagang benepisyaryo.
Ang mga tiket para sa parehong konsyerto ay magsisimulang ibenta sa Enero 22 sa pamamagitan ng Ticketmaster.