Itinanggi ng beteranong komedyanteng si Tito Sotto na natanggap ni Vic Sotto ang script ng pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma" mula kay Darryl Yap.
Ito ay matapos sabihin ng abogado ni Darryl na si Atty. Raymond Fortun na ipinadala umano ni Darryl kay Vic ang kopya ng script.
Sa kanyang X account, sinabi ni Tito na ang script ay ibinigay kay Vic del Rosario ng Viva at hindi kay Vic Sotto.
“Hindi totoo. Mali. Ibinigay nila ang script kay Vic del Rosario, hindi kay Vic Sotto. Hindi kailanman nabasa ni Vic o ako ang kanilang script,” ani Tito.
You should find out first if what you are reporting is accurate or not. Nakakahiya kumagat sa showbiz gimmick, mainstream pa Naman kayo. https://t.co/uBY0ujlhHE
— Tito Sotto (@sotto_tito) January 13, 2025
Sinabi rin ng dating senador na tinanggihan ng big boss ng Viva ang alok na iprodyus ang pelikula.
“Tinanggihan ito ni Vic del Rosario,” dagdag ni Tito.
“Sa mga gumagastos ng malaki para manira ng kapwa, ayos! Para mabawasan ang yaman ninyo!” dagdag pa niya sa isa pang tweet.