Ang Disney na Moana 2 ay nagmarka ng kasaysayan sa Thanksgiving box office, nangunguna sa rekord.
Ang pelikulang animated na Polynesian ay nagrehistro ng $221 milyon USD debut sa limang araw na holiday frame. Tinalo ng Moana 2 ang dating rekord na itinakda ng Frozen II noong 2019 na may $125 milyon USD debut at ng Hunger Games: Catching Fire noong 2013 na may $109 milyon USD. Ito ang pinakamalaking debut sa kasaysayan para sa limang araw, na nalampasan rin ang Universal’s The Super Mario Bros. Movie noong 2023.
Ang tatlong-araw na tally ay nagmarka rin ng pinakamahusay na panimula para sa Walt Disney Animation, na umangat sa inaasahang kita na $135 milyon hanggang $145 milyon USD.
Ayon kay Disney Entertainment Co-Chairman Alan Bergman, “Ito ay isang sandali para ipagdiwang, at kami’y nagpapasalamat sa lahat ng manonood at tagahanga na tumulong para gawing rekord-breaking ang debut na ito.”
Ang animation ay humarap sa kompetisyon ng Universal’s Wicked at Paramount’s Gladiator II. Sama-sama, ang tatlong blockbusters ay nagdala ng humigit-kumulang $422 milyon USD para sa Thanksgiving weekend. Ang Wicked ay pumangalawa sa box office na may $117.5 milyon USD sa limang araw na holiday stretch.