Ang Japanese electronics brand na Casio ay kilala hindi lamang sa mga relo kundi pati na rin sa mga calculator. Noong 1954, ginawa nito ang kauna-unahang desk-sized calculator, at noong 1972, ipinakilala nito ang unang personal calculator, ang Casio Mini, dalawang taon bago ito pumasok sa industriya ng relo sa pamamagitan ng CASIOTRON na nagpasikat ng automatic calendar function. Hanggang ngayon, malaki pa rin ang kontribusyon ng Casio sa parehong larangan, kasabay ng mga makabagong proyekto nito tulad ng pakikipag-collab sa A.P.C. at ang iba’t ibang disenyo sa ilalim ng G-SHOCK brand.
Ngayon, muling binalikan ng Casio ang nakaraan sa pagbibigay-pugay sa Casio Mini sa pamamagitan ng tatlong bagong bersyon ng CA-53WB. Tampok dito ang negative LCD screen na may full keypad na gumagamit ng orihinal na font ng Casio, na nagbibigay ng klasikong estilo at functionality sa mga gumagamit. Bukod sa basic calculator functions tulad ng pagdadagdag at pagbabawas, ang relo ay may dual time function, stopwatch, alarm, at marami pang iba.
Ang tatlong retro-inspired na colorways ng bagong lineup ay milky white, black, at teal.
Para sa mga interesadong makuha ang mga bagong Casio CA-53WB, available na ito ngayon sa Casio sa presyong nagsisimula sa $36 USD.