Isang taon matapos inilunsad ang Spider-Man 2 sa PlayStation 5, inihayag ng Sony na ang action-adventure game ay darating na sa PC.
Ang Marvel title, na binuo ng Insomniac Games, ay nakatakdang ilabas para sa PC sa Enero 2025. Dalawang edisyon ng Spider-Man 2 ang magiging available: isang Standard Edition at isang Digital Deluxe Edition.
Ang laro ay mayroong open-world na New York kung saan ang mga manlalaro ay kumukumpleto ng mga side quests at misyon bukod sa pangunahing kwento. Sina Peter Parker at Miles Morales ang mga pangunahing tauhan, na kontrolado ng mga manlalaro mula sa third-person perspective. Para sa ilang misyon, maaari ring kontrolin ng mga gamer sina Mary Jane at Venom.
Ayon sa Sony, sa Standard Edition, magkakaroon ang mga manlalaro ng access sa kumpletong laro na inaalok sa PS5, pati na rin ang mga bagong bonus content tulad ng mga bagong suit, mga post-game achievements, at ultimate levels. Ang DDE version ay magkakaroon ng mas maraming eksklusibong suit, kasama na ang mga early unlocks.