Isang replica ng sikat na Iron Throne mula sa HBO at George R. R. Martin‘s Game of Thrones TV series ang nabenta sa auction sa halagang $1.49 million USD sa Heritage Auctions.
Ang orihinal na touring Iron Throne, na pitong talampakan ang taas, ay ginawa gamit ang painted plastic at mga hiyas para gayahin ang fictional origin nito—isang upuan na gawa sa mga espada na tinunaw gamit ang dragon breath. Ito ang naging pinakamahal na item na nabenta noong weekend at nabili ng isang anonymous buyer. Mas mataas pa ang bid nito kumpara sa iba pang Game of Thrones memorabilia tulad ng Longclaw sword ni Jon Snow, ang Westeros Map Room floor, dragon egg ni Daenerys Targaryen, at marami pang iba.
“Mula nang ilunsad namin ang Game of Thrones auction noong Setyembre, kitang-kita na tatatak ito sa mga fans,” sabi ni Joe Maddalena, executive vice president ng Heritage Auctions, sa isang pahayag. “Ito ay mga extraordinary treasures na ginawa ng Emmy-winning costume designers at prop makers na nagtrabaho ng husto para i-adapt ang wonderful novels ni George R.R. Martin.”
“Napakasaya namin sa resulta ng auction na ito para sa ilan sa pinaka-iconic na Game of Thrones memorabilia,” dagdag ni Janet Graham Borba, executive vice president ng production sa HBO. “Patuloy na passionate collectors ang mga fans na ito, at nagpapasalamat kami sa kanila at sa aming partners sa Heritage para gawing matagumpay ang auction na ito.”