Baka hindi mo masyadong kilala ang Flos “Snoopy” lamp sa pangalan, pero sigurado akong pamilyar ka dito. Mapa-design-led spaces man sa iba’t ibang parte ng mundo, naging simbolo ito ng magandang taste simula nang likhain ito noong ‘60s. Ngayon, may bago itong kulay!
Sa 2024, ang Snoopy lamp ay magkakaroon ng navy blue shade, na makakasama sa mga naunang orange, green, at black variants.
Bukod sa bagong kulay, napanatili ng lamp ang original na mga detalye na dinevelop nina Achille at Pier Giacomo Castiglioni noong 1967. Kasama na dito ang iconic na hugis nito, na tulad ng pangalan ng lamp, ay inspired ng cartoon na si Snoopy.
Ang blue color ay inspired ng isa pang disenyo ng Castiglioni brothers na tinawag na “Sciuko.” Ayon sa Flos, “Sa mga historically significant na bagay na dinisenyo ng mga dakilang masters, maingat at may respeto ang Flos sa pagpapakilala ng bagong kulay, na nagsisimula sa pag-aaral ng mga archive materials.” Ang makukulay na nuances na pinili para sa Snoopy range ay inspired ng Sciuko lamp, isang versatile spotlight na dinisenyo nina Achille at Pier Giacomo Castiglioni noong 1966, at naging popular dahil sa rich color palette nito.
Katulad ng mga naunang versions, ang blue Snoopy ay may marble base, makapal na glass disc para mag-diffuse ng ilaw, at enamelled aluminum shade na may tatlong cooling holes. “Bagaman mukhang unbalanced ang volume nito, ang Snoopy lamp ay stable dahil sa perfect weight distribution ng components nito,” ayon sa Flos. “Ang inclined design ng lamp ay nagdidirekta ng ilaw halos lahat sa worktop area, na may kaunting output sa kabilang side. Ang lighting concept na ito ay hindi tradisyunal noong panahon nito at nananatiling innovative at well-appreciated hanggang ngayon.”
Ang Snoopy lamp ay ibinebenta sa halagang €1,280 (humigit kumulang PHP 80,500). Silipin ito nang mas malapitan sa gallery sa itaas, at pumunta sa Flos website para malaman ang higit pang detalye.