Inanunsyo ng Toll Regulatory Board (TRB) na magkakaroon ng bagong toll rates para sa NLEX Connector simula October 15, 2024.
Ayon sa TRB, ang adjustment na ito ay bahagi ng plano na dahan-dahang ipatupad ang toll charges sa NLEX Connector, na may layuning bawasan ang bigat sa mga motorista na gumagamit ng expressway.
Narito ang breakdown ng bagong toll fees:
- Class 1 vehicles (regular na kotse at SUVs): P119
- Class 2 vehicles (mga bus at maliit na trak): P299
- Class 3 vehicles (malalaking trak): P418
Ang mga updated na toll rates na ito ay kasunod ng initial fees na ipinatupad noong 2023, matapos ang pagbubukas ng Caloocan to España segment noong March ng nasabing taon. Noong binuksan ang España to Magsaysay Boulevard section noong October 2023, pinanatili ng TRB ang discounted rates, kaya halos isang taon na nagamit ng mga motorista ang extended road nang walang dagdag na bayad.
Sinabi rin ng TRB na kapag natapos na ang buong NLEX Connector Project, ipapatupad na ang full toll rates.