Kamakailan lang, inannounce ng Nintendo na magkakaroon sila ng playtest para sa isang bagong feature ng Nintendo Switch at Nintendo Switch Online. Buksan ito sa publiko at mayroong 10,000 slots na available.
“Nagsasagawa kami ng test na tinatawag na Nintendo Switch Online: Playtest Program na may kaugnayan sa isang bagong feature para sa Nintendo Switch Online service na inaalok para sa Nintendo Switch system,” sabi ng kumpanya.
Ang tanging criteria para makasali sa test ay dapat 18 years old pataas, may Nintendo account, at naka-subscribe sa Nintendo Switch Online + Expansion Pack.
Ang participation ay sa first-come, first-serve basis. Pero sa loob ng wala pang isang minuto, puno na ang playtest.
Nag-require din ang Nintendo ng mga napiling makasali na pumirma ng NDA at humiling na huwag pag-usapan ang test. Marami na ang nag-speculate na ang feature na ito ay tungkol sa matagal nang hinihintay na Switch 2.
We will be performing a test related to a new feature for #NintendoSwitchOnline on #NintendoSwitch. Starting 8:00 AM PT on Oct. 10, existing Nintendo Switch Online + Expansion Pack members will be able to apply to participate on a first-come, first-serve basis.
— Nintendo of America (@NintendoAmerica) October 9, 2024
Learn more:… pic.twitter.com/PKAz20oD5G