Sumunod si Salehe Bembury sa kanyang malawak na Crocs collaboration sa paglulunsad ng Pollex Clog sa “Manta” at “Borealis.”
Nakatakdang ilabas ito sa October 17, at parehong slip-on models ang darating na may signature concaved uppers ni Bembury, off-colored toe, at detachable heel straps. Ang magkakaibang kulay ay nag-aalok ng dalawang opsyon, kung saan ang “Manta” ay ginawa sa mas muted gray shade, habang ang “Borealis” ay may neon green na glow-in-the-dark option para sa mga bata. Ang outsole nito ay may parehong colorway na may fingerprint-inspired pattern, na nagbibigay ng mas uniform look para sa multi-terrain footwear.
Tingnan ang mga models sa itaas. Ang Salehe Bembury x Crocs Pollex Clog “Manta” at “Borealis” ay magiging available simula October 17 sa beaspunge.com, at ang presyo ay $85 USD (humigit kumulang PHP 4,900) para sa adult sizing at $70 USD (humigit kumulang PHP 4,000) para sa mga bata. Magkakaroon din ng malawakang release sa Crocs webstore na ibabalita sa lalong madaling panahon.