Finally, lumabas na ang trailer para sa pinakahihintay na ikalawang season ng The Last of Us bago ang premiere nito na nakatakdang mangyari sa 2025. Ang palabas ay batay sa isang survival game na naka-set sa post-apocalyptic na US, at ang HBO ang nag-adapt ng laro sa isang show, kung saan ang unang season ay nag-premiere noong unang bahagi ng 2023.
Set ito dalawampung taon matapos ang isang pandemya na nagdulot ng pagkahawa sa mga tao at naging zombie ang mga infected. Sinundan ng unang season si Joel (Pedro Pascal), isang smuggler na inatasang dalhin si Ellie (Bella Ramsey) sa buong bansa para sana magamit siya sa paggawa ng bakuna laban sa nakakahawang virus.
Ang bagong season ay magaganap limang taon pagkatapos ng unang season, at sa trailer, makikita ang isang tila mapayapang komunidad kung saan nakatagpo ang dalawa ng kanlungan. Sa tunog ng kantang “Future Days” ng Pearl Jam, biglang sumalakay ang mga infected sa komunidad, kaya't napilitan silang muling tumakas.
“Matapos ang limang taon ng kapayapaan mula sa mga pangyayari sa unang season, ang nakaraan nina Joel at Ellie ay bumabalik, at nagdadala ito sa kanila sa isang alitan sa isa’t isa at sa isang mundong mas mapanganib at hindi mahulaan kaysa sa iniwan nila,” sabi ng HBO.
Kasama sa cast sina Kaitlyn Dever, Isabela Merced, Young Mazino, Ariela Barer, Tati Gabrielle, Spencer Lord, Danny Ramirez, at Jeffrey Wright. Magkakaroon din ng guest star na si Catherine O’Hara.
Panoorin ang opisyal na trailer para sa season two ng The Last of Us sa itaas. Ang show ay mag-premiere sa 2025.