Matapos ang pagbubukas ng solo show ni Jahan Loh na POSTCARDS FROM SPACE, inihayag ng multidisciplinary artist mula Singapore ang kanyang susunod na creative venture. Sa pagkakataong ito, muling nakipag-collaborate si Loh sa G-SHOCK para mag-produce ng limited-edition DW-5600 na relo.
Mula sa band, case, hanggang bezel, ang DW-5600JAH24-4 ay nakasuot ng matapang na pulang kulay. Kahit marami nang G-SHOCK models na may ganitong palette noon, ang partikular na hue na ito ay inspired ng mga pinakabagong gawa ni Loh na naka-focus sa themes ng AI, resilience, at ang tuloy-tuloy na pagtakbo ng oras.
Isang standout na design detail ng piraso ay ang distinct watch band na may mga dragon at flame motifs na parang camouflage ang pattern. Ang dragon ay hindi lang simbolo ng Asian heritage ni Loh kundi isa ring reference sa kanyang Chinese zodiac sign.
Sa pamamagitan ng flame-like patterns na intertwined sa mythical creature, ipinapakita ng artist ang kanyang pag-reflect sa paglalakbay niya pabalik-balik sa pagitan ng futuristic vision at koneksyon sa nakaraan. Bilang final touches, makikita ang spaceman avatar ni Loh sa band loop at engraved din ito sa caseback ng relo.
Sa October 3, mabibili ang relo sa isang exclusive pop-up sa G-SHOCK ION store. Pagkatapos nito, magiging available ito sa mga CASIO_ID members lamang sa mga physical at online stores ng G-SHOCK sa Southeast Asia, Taiwan, at China. Ang regular edition ay may presyo na $229 SGD (PHP 9,980), habang ang special Spaceman-themed edition ay nagkakahalaga ng $269 SGD (PHP 11,730).