Ang aktor mula sa Friday Night Lights na si Kyle Chandler ay napili para gumanap bilang Hal Jordan sa upcoming series ng DC at HBO na Lanterns.
Ang balita ay ibinahagi ng The Hollywood Reporter, kung saan sinasabing makikita si Hal Jordan na “reluctantly mentoring” kay John Stewart—isang batang Lantern na isa sa mga unang Black superheroes ng DC. “Ang kwento ay iikot sa dalawang karakter na iniimbestigahan ang isang murder sa Earth na may mas malaking epekto,” ayon sa report. Dagdag pa rito, ang series ay magkakaroon ng tonong kahawig ng True Detective.
Wala pang kumpirmadong aktor na gaganap bilang John Stewart, ngunit sinasabing interesado ang DC na kumuha ng “young, more fresh-faced actor” bilang kabaligtaran ni Chandler.
Nakuha ni Chandler ang role matapos na unang magplano ang DC na mag-cast ng isang movie star tulad nina Josh Brolin, na tinanggihan ang offer. Nagkaroon din ng haka-haka na sina Chris Pine at Ewan McGregor ang pinagpipilian para sa role.
Ang Lanterns ay nilikha nina Chris Mundy (showrunner), Damon Lindelof, at Tom King, na sila ring nagsusulat at executive producers ng series. Wala pang ibang detalye tungkol sa iba pang cast at release date ng series sa ngayon.