May kakaibang arkitektura ang ilan sa mga pinaka-iconic na sapatos, mapa-kalsada man o football pitch. Alam na alam ito ng yumaong si Virgil Abloh, na noong 2017 ay binaligtad ang disenyo ng ilan sa mga pinaka-innovative na silhouettes ng Nike, at binago ang kalakaran sa footwear design mula noon.
Ngayon, papasok ang Nike sa bagong teritoryo—isang digital na stadium na magiging parte ng paparating na laro mula sa EA SPORTS, ang FC 25. Tinawag itong Nike Air Zoom Arena, na parang pinaghalo ang disenyo ng Manchester City’s Etihad at Marseille’s Stade Vélodrome, kasama ang iconic na Mercurial cleats. Ang resulta? Isang makinis at modernong anyo na sumasalamin sa sophisticated na gameplay ng FC series, gayundin sa mga dynamic na footballers na nagsuot ng Nike boots sa mga nakaraang taon.
Makikita ito sa mga bagong 5v5 matches sa Ultimate Team at Clubs, kung saan ang Nike Air Zoom Arena ay bahagi ng inobasyon ng EA SPORTS na tinatawag na Rush, kung saan maaari mong palitan ang AI players at maglaro kasama ang mga kaibigan. Mas maliit ang mga clubs, mas mabilis ang laro, at mas maraming goals ang maaasahan.
Katulad ng bawat bagong laro sa nakalipas na dalawang dekada, ang FC 25 ay magdadala ng mga bagong tampok, kabilang ang expanded career mode, mga unique na rewards at celebrations sa Ultimate Team, at mas realistic na galaw at control sa laro, salamat sa bagong FC IQ at HyperMotionV technology ng EA.
Ilalabas ang FC 25 global sa September 27, 2024.