Naglabas na ang Netflix ng opisyal na trailer para sa kanilang bagong NBA-focused docuseries na tinatawag na Starting 5. Ang seryeng ito ay sumusunod sa limang pinakamalalaking superstar ng liga, kasama sina LeBron James, Jayson Tatum, Jimmy Butler, Anthony Edwards, at Domantas Sabonis.
Sa seryeng ito, makikita ng mga fans ang mas malapit na tanaw sa araw-araw na gawain ng bawat NBA star, mula sa kanilang training at motivations hanggang sa kanilang journey patungo sa kadakilaan habang nilalabanan ang injuries at balanseng iniintindi ang pamilya at pagtatayo ng legacy. Ang serye ay idinirekta nina Susan Ansman, Trishtan Williams, Peter J. Scalettar at executive producers na sina Maverick Carter, Jamal Henderson, Philip Byron at Randy Mims (para sa UNINTERRUPTED); President Barack Obama, Michelle Obama, Vinnie Malhotra at Ethan Lewis (para sa Higher Ground); at Peyton Manning, Jamie Horowitz at Sam Pepper (para sa Omaha Productions). Pinagsama-sama ng mga bigating pangalan ang kanilang lakas para i-capture ang buhay ng limang pinakamalalaking bituin ng NBA.
Ang opisyal na synopsis ay nagsasaad, “Pinipilit ni James ang kanyang sarili na maging mas malakas kaysa dati para manatiling healthy at dominant sa kanyang ika-21 season, habang si Edwards ay nag-eenjoy sa kanyang mabilis na pag-angat. Ang walang tigil na drive ni Butler ay nagpapalakas sa Heat, si Sabonis ay nagsisilbing pundasyon ng Kings sa kanyang versatile play, at si Tatum ang nangunguna sa Celtics sa kanilang pagnanais na makuha ang record na ika-18 na championship. Ang Starting 5 ay nagbibigay ng walang filter na tanaw sa buhay sa tuktok ng propesyonal na basketball.”
Ang docuseries ay magkakaroon ng 10 episodes na tig-45 minuto bawat isa at magsisimula sa October 9 sa Netflix. Panuorin ang opisyal na trailer sa taas.