Ang Bell & Ross ay pinalawak ang kanilang koleksyon ng relo sa pamamagitan ng bagong modelong BR-03, na tinawag na Horizon. Ang timepiece na ito ay nagbibigay-buhay sa isa sa mga pinakakilalang instrumento sa cockpit ng eroplano diretso sa iyong pulso.
Ang kapansin-pansing duotone dial ng relo ay inspired ng gyroscopes — isang tool na ginagamit para masukat o mapanatili ang orientation at angular velocity, lalo na sa mga flight na may zero visibility. Ang upper dial ay kulay sky blue, habang ang lower half naman ay matte black bilang simbolo ng lupa. Ang central disc ng dial ay nagpapakita ng oras, gamit ang solid-white hand para sa minutes at stripey monochrome hand para sa seconds.
Nasa loob ito ng signature square case ng Bell & Ross na may round bezel na gawa sa microblasted black ceramic. Ang sukat nito ay 41mm, at pinapagana ito ng BR-CAL.327 movement, na may 54 hours na power reserve.
Inilabas bilang limited edition na 999 piraso, ang BR-03 Horizon ay kasalukuyang available na sa website ng Bell & Ross sa halagang PHP250,989.