Ang Pocketpair, ang developer mula sa Hapon sa likod ng Palworld, at ang Sony ay nagkasundo na bumuo ng bagong kumpanyang tinatawag na Palworld Entertainment.
Hindi binili ng Sony ang Palworld kundi ang Palworld Entertainment ay isang "joint venture company" na pangungunahan ni Pocketpair CEO Takuro Mizobe. Sa kanilang bagong website, inilarawan ang kumpanya bilang responsable para sa lahat ng global licensing at merchandising operations ng Palworld.
Binuksan ang Palworld Entertainment sa pakikipagtulungan sa Aniplex, isang Japanese subsidiary ng Sony na pangunahing nakatuon sa produksyon at pamamahagi ng anime.
Ang venture ay "responsible for developing the reach of the intellectual property and for expanding commercial business endeavors, including the global licensing and merchandising activities associated with Palworld outside of the interactive game," ayon sa opisyal na pahayag ng Palworld Entertainment.
Posibleng nagtatrabaho ang Pocketpair at Sony sa pag-aadapt ng Palworld sa isang anime series. Sa ngayon, ang unang proyekto ng kumpanya ay paglikha ng mga Palworld-branded na merchandise na ibebenta sa Bilibili World 2024 sa Shanghai.
Madalas na ihambing sa Pokémon, bagamat mas may kabugan, inilunsad ang Palworld noong Enero 2024 at nakakuha ng higit sa 25 milyong manlalaro sa unang buwan nito.