Ngayong Lunes maaaring maging maulap dulot ng easterlies sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).
"Ang nananaig na weather system sa ngayon sa ating bansa ay ang easterlies na magdadala ng mas malaking tsansa ng pag-ulan, lalo na sa silangang bahagi ng ating bansa, partikular na sa Isabela, Cagayan, Aurora, Quezon, Bicol region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao," ani Pagasa weather specialist Obet Badrina sa kanilang bulletin kaninang madaling araw.
Maaaring magpatuloy ang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa iba pang bahagi ng bansa mula hapon hanggang gabi.
Idinagdag din ng Pagasa na wala namang disturbance sa paligid ng Philippine area of responsibility.
Wala ring gale warning din na ipinapatupad sa lahat ng baybayin ng bansa.